A Sweet Love story.

 

Lagi mo na lang ako iniiwasan,

kinukutya, sinusumbatan.

Ano ba talaga ako sa iyo.?

Bakit lagi na lang ganito.?


Simula pa lang nung tayo’y magkalilala

ako’y lagi mo nang inaasar.

Sa una’y  nakikisakay na lang.

Kahit di alam ang dahilan.


Lalong tumagal ang pang aasar mo,

hanngang sa ako’y maasar na sa yo.

Pero biglang nagbago ang lahat.

Galit sa puso biglang nawala.


Iyon pala ay nahuhulog na sa yo,

amg puso kong biglang umibig sa yo.

Di malaman kung ano ang dahilan,

Bakit ganito ang kinahinatnan.


Lumipas ang ilang araw at buwan,

mas lalo akong nahuhulog sa yo.

pero ni hindi mo man lang napasin,

na ako’y umiibig na sa yo.


Hanngang sa isang araw, nakita kita,

may dalang puti at pulang rosas,

tinanong ko, “para kanino yan.?”

At sabi mo, ” para sa mahal ko yan.”


Tinanong ko kung sino ang mahal mo,

sabi mo mamaya’y malalaman ko.

Sa puso ko alam kong hindi ako ang mahal mo,

dahil hindi namn ako karapat dapat sa yo.


Pagkatapos non, ako’y umuwi na,

at ika’y nagpaalam dala ang rosas,

di ko man maamin, lihim kong hinihiling,

na ang rosas ay sana para sa kin.


Sa kwarto ko may narinig akong kumakanta,

at iyon ay nanggagaling sa labas.

Napatayo ako, at tumingin sa bintana,

Nakita kita na  may dalang gitara.


Kinanta mo ang paborito kong “harana”

dala pa ang puti at pulang rosas,

ako’y napaiyak sa sobrang tuwa,

sa puso kong puno ng ligaya.


Masarap balikan ang mga araw na yun,

kahit man tayo na ngayon,

mahal kita, at wala nang iba,

Dahil sa yo ako’y maligaya.


Masaya ako at sa wakas naging tayo,

kahit marami tayong pinagdaanan na pagsubok.

Eto ang love story ng buhay ko,

Na pwede ring mangyari sa yo. 🙂


– crizelda nicolas

Advertisements

2 thoughts on “A Sweet Love story.

  1. it seem to be a goog story, but i can not read it because it is not in english,i wish i had better chanse!!
    i forgot to say:sorry:
    i can not read and write english very well,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s