Christmas And New Year 2010.

One of my most happiest moments this 2010, our christmas and new year holiday.!  It’s more happier compared last year although last year’s christmas and new year holiday brought a bundle of experiences and good memories. It’s been 4 years since our grandmother took a vacation here in the Philippines  and finally, she decided to have a vacation here with us.! ( yeah.!) So Dun na nagsimula ang huling masasayang moments  ng aking 2010 life. . : D

DECEMBER 17. 2010.

– Ang end of classes for 2010. Yes. ! Classes will resume on January 3, 2010. ( dun lang medyo ako nabadtrip, bakit ang aga.! pfft. )

– Second day of simbang gabi.  Sayang at di ko nakumpleto. 😦 .

DECEMBER 18, 2010

– We went to market market to buy gifts.  🙂 Nakabili na rin sa wakas ng bagong wallet, sort of a gift for myself. Di ko na kasi mapagtiyagaan yung luma kong wallet, sira kasi yung zipper kaya yung mga coins, nahuhulog.

– May bago rin akong blouse .! harhar. 🙂

December 21, 2010.

– Dumating na ang aking mga cousins.! as always, the big day in every holiday. This Christmas won’t be super duper happy without them. Last christmas at new year kasi, wala sila.

December 22, 2010.

– We went to SM  molino to buy a gift for mommy glo since bday niya nung araw na yun.  At ang cute ng nabili namin.! isang cute na card at isang little girl statue na may qoute about love. Bumili rin kami ng card para kina mama at papa. 🙂 After that, nagpapicture kaming magpipinsan sa galaxy photo for the first time. Sabi ng photographer sa min, mukha kaming mga artista.! haha. At photogenic yung pinsang kong si monic, dahil todo todo pose eh.! haha. Then in the evening, we celebrate mommy glo’s birthday at the seaside and there, we give our gifts to mommy glo. It was a happy and a memorable evening. 🙂

DECEMBER 23, 2010.

– We went to SM  bacoor that afternoon. Ayun, nag tom’s world kami at super saya naming naglaro ng basketball, racing, atbp. Para kaming mga bata, pero nakakaenjoy talaga kahit apat lang kami nun. After nun, pumunta kami ng jollibee para magmeryenda. After that, pumunta kami sa national bookstore at ginawa naming library dahil hindi kami nandun para bumili ng libro, kundi para magbasa ng libro. haha. 🙂 Dun na ako nagkaroon ng interest sa PHR  pocketbooks. haha 🙂

DECEMBER 24. 2010. – CHRISTMAS EVE.

– Bago kami mag mass, nangarolin muna kami na in the first place, ayaw ko kasi nakakahiya. Pero in the end, sumama na rin ako nangaroling sa kanila dahil sabi ko nun sa sarili ko ” wala naman nakakahiya sa gagawin ko diba.? hindi naman kasalanan ang mangaroling, so bakit ako mahihiya.? and besides, it’s a bonding moment for us, so yun yung dahilan kung bakit sumama na ako sa kanila. Although yun lang yung araw na nagaroling kami, 100 plus na ang na ipon namin. Syang at di kami nangaroling this past days, kasi baka 500 ang maipon namin, pero ok lang. After nun, umuwi na kami sa bahay para paghatian ang ang mga naipon namin. Nung malapit na mag 10, nag christmas mass na kami sa pag asa and sama sama kaming lahat. After ng mass, umuwi na kami para sa noche buena at party party kami nung gabing yun. Yung kapitbahay friends namin, nakiparty rin at sa kalsada kami nag party. Ang ingay namin, para kaming mga tribo at may fashion show pa kaming pakulo.! haha. And then nung 12.00 na, bukasan na ng gifts, at at pareho kami ng gift ni arianne.! isang mp4 pero magkaiba kami ng kulay. Akin ay pink ( may fave color.!) at kay arianne ay blue. Super duper sya ko talaga nung araw na yun.! most memorable christmas eve ever.!





DECEMBER 25 2010 – GETTING ENCHANTED.!

-The day we’ve been waiting for.! Ang last but not the least gift ni mommy glo para sa min: ililibre niya kami sa enchanted.! umaga pa lang, super excited na kami dahil pagkagising pa lang, sumayaw kami ng binguel binge sa kwarto.! haha hyper.! and after nung travel, nasa enchanted na rin kami. almost 3 years na since nung huling punta namin dun. Our rides from fist to last: Flying fiesta, Rio grande, wheel of fate, rialto, jungle log jam ( lunch. ) anchors away, nag flying fiesta ulit, nag jungle log jam ulit, nag rio grande, at ang last ride ay ang flying fiesta. Si papa sumakay dun sa bagong ride sa enchanted, and EK extreme tower. Sayang hindi ako nakasakay dahil sa una natakot ako pero sabi ni papa ang sarap daw. Well, anyways, super nagenjoy kami lahat at sana maulit ulit yung pagpunta namin sa enchanted. 🙂

DECEMBER 26 2010.

– Dapat talaga ay uuwi na ang mga pinsan namin, pero dahil pinilit sila ni mommy glo na wag muna, kinabukasan na lang sila uuwi. Nung kinagabihan, pumunta kami ng tagaytay para mag mass at kumain ng dinner. BTW,  wedding anniversary nina mama at papa nung araw na yun. 🙂 after nung mass, pumunta na kami ng giligans para mag dinner. Grabe, super tagal pa bago dumating yung pagkain namin dahil ang dami ng customers, so habang nag aantay, nag game kami ng pass the message at black magic. Super saya namin nung gabing yun at after sa giligans, nag mcdo kami para mag coffee.

DECEMBER 27, 2010- SAD DAY 😦

– Today is a sad day. uuwi na ang mga pinsan ko sa mindoro. Nakakalungkot kasi hindi sila mag nenew year sa amin dahil ayaw ng papa nila. Gusto kasi ng papa nila, mag new year sila sa bahay nila dahil bagong gawa. So ayon, ayaw rin umuwi ng mga pinsan namin, pero sad to say, kailangan. Sana next year mag new year na sila sa amin. 🙂

DECEMBER 30, 2010.

– Para naman mabawasan ang lungkot namin, nag mall of asia kami para manood ng dalaw.  Bago kami manood, pumunta kami sa National bookstore para bumili ng PHR pocketbooks. naadik na kami eh.! haha and by the way hindi alam ng parents namin na nagbabasa kami nun dahil ayaw nila na magbasa kami ng tagalog pocketbooks. After that, nanood na kami ng dalaw. The movie is good, pero kung walang twist yun, i think magiging corny siya. Yun lang.

DECEMBER 31, 2010. – NEW YEAR’S EVE.

– The last day of 2010. kahit wala yung mga pinsan namin, i still managed to enjoy this night.! party party kami habang sinasalubong na namin yung bagong taon. Ang colorful ng mga fireworks, at nung 12 na, nag wish ako at nagpahagis ng coins si mama. 100 yung nakuha at ang pinakamarami kay jr. Nag karaoke rin kami at kumain kami. ANG DAMING FOODS.! haha. Thast was one memorable new year’s eve ever. 😀

– Kahit man bitin ang holiday, at least super nag enjoy kaming lahat sa mga huling araw ng 2010. Thanks for the memories 2010 and hello 2011.!

~ . One of the best moments ever . ! :),

– Crizelda. 😀
Advertisements

4 thoughts on “Christmas And New Year 2010.

  1. Thanks I finally came to a website where the webmaster knows what they're talking about. Do you know how many results are in Google when I search.. too many! It's so irritating having to go through page after page after page, wasting my day away with thousands of owners just copying eachother's articles… bah. Anyway, thanks for the information anyway, much obliged.

  2. the written content on this article is really one particular of the most beneficial substance that We have at any time arrive throughout. I adore your article, I will occur back again to examine for new posts.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s