Adventure,Bonding,and Fun all rolled into ONE. ( Qurino and Banauetrip )

After sagada, another adventure trip had happend ! and this time, unkaboggable na ang saya dahil kasama namin ang mga pinsan ko  : >. Kahit man 3 days and 2 nights lang ang vacation na to, still this is one of the best vacations that had happened in my entire life ! : 3

  • April 21, 2012 : Saturday night.

Eto rin ang isa sa mga dahilan kung bakit unforgettable ang trip na to ; first time naming mag commute sa papasyalan namin ! at ang masaya pa dun, ang ganda pa ng bus na sinakyan namin. may CR, at sobrang lameeg sa loob ! buti na lang may dala kaming jacket : > Sa bus pa lang eh, mababasa mo na sa mukha namin na super excited na kaming lahat ! kahit 7 hours ang byahe, the trip’s all worth it !

  • April 22 2012 ; Sunday. ( Aglipay cave and maddela waterfalls )

At exactly 7 in the moring, after the  8 hour trip, nakarating na rin kami sa quirino ! Una muna, drinop kami ng bus sa may municipal hall at nag aabang na dun yung van na sasakyan namen at ang maglilibot rin sa men sa trip namin sa qurino : ) After 15 minutes ng byahe sa van, nakarating na kami sa tutuluyan namin, na tinatawag na homestay : >

Now at qurino : 3 hihi.
Our home for 3 days and 2 nights : 3
Bonding muna with my cousins : 3
After namin magpahinga dun sa homestay, pumunta na kami sa aming next destination at ang pinakahighlight ng trip na to : ang Aglipay caves at maddela waterfalls ! Papunta pa lang, eh enjoy na enjoy kami dahil sa mga sceneries na nakikita namin habang nasa byahe : > Pansin ko, para kang nasa new zealand dahil puro bundok at hills ang makikita mo sa paligid. The scene was next to perfect : D
After ng 30 mins na byahe, nakarating na kami sa aglipay caves. Bale out of 37 caves, 3 ang pupuntahan namin, and according dun sa tour guide namin, more than 1 hour ang hiking sa loob ng cave. Super saya talaga and todo todo ang thrill nung nasa cave na kami.
Ang masaya talaga dito is, marami kami at kasama ko ang mga pinsan ko : > although syempre, masaya pa rin ako kahit kaming nicolas lang ang pumapasyal pero iba pa rin pag kasama namin sila. Todo tilian, tawanan, maraming fail ang nangyari eh. Ilang beses man ako muntikan na madulas, tuloy pa rin ang ligaya !
Super ganda ng cave. AS IN. Amazing, wondeful, lahat na yata ng magaganda na adjectives eh. Ang daming rock formations sa loob, may shape ng turtle, mukha, dolphin, banaue rice terraces, at marami pang iba. Naamaze rin ako dun sa buhay na bato, na bawal hawakan ninuman, ksi pag hinawakan mo yun, mangingitim siya, at kahit sino hindi gugustuhin yun. Bakit ? kasi kumikinang talaga siya, parang crystal na bato. Sayang nga lang at di ko na picture ran : |
Ang di ko talaga malilimutan is yung mga nilusutan namin na maliit, hindi pwede ang mga matataba. ako na nga na payatot eh nahirapan pa lumusot eh. haha. May mga parts rin dun sa cave na kailangan mong gumapang, dumapa, at magpadulas. Todo tilian talaga kmi pagdating sa mga parts na kailangan naming dumapa, dahil maputik yung loob ng cave, at ang daming tae ng paniki dun : O. But it was all worth it. : )) Nung natapos na kami sa cave, hindi ako nakaramdam ng pagod, feeling ko nga, nawala ang lahat ng stress ko. Yun pala ung magic na naidudulot ng caving. Hindi lang tanggal ang stress mo, unforgettable memories pa ang dinulot nito : >

After nung caving, sa maddela waterfalls naman kami pumunta. Malapit lang yun sa aglipay caves, at sandali lang yung hiking papunta sa falls. At nag enjoy rin kami dun. : D

taking a shower ; MORE FUN IN MADDELA WATERFALLS : >
Pramis. Ang sarap mag shower diyan : > lalo na pag nakatalikod, parang minamasahe na rin ang likod mo . ka enjoy talaga !
Kaya naman nung pauwi na kami, hayun, knockout lahat kami sa van dahil sa sobrang pagod : > At ang medyo nakakainis lang, dumami ang kagat sa legs ko : | pero ayus lang. Nag enjoy talaga kami sa araw na to : D
  • April 23, 2012 ; Monday : Governor rapids, bimmapor rock formations, Capitol, and susong dalaga : 3

Another exciting day ! Nagising kami ng maaga, mga around 7 yata, then after namin mag breakfast, ayun, lumarga na kami kaagad ! our first stop ay sa governor rapids, which is also known as the cagayan river. Boating at sight seeing ang gagawin namin dun, and as expected, nag enjoy talaga kami dun.

Picture dito, Picture diyan, di ko na yata mabilang kung ilan na yung pictures namin dito sa governor rapids eh : 3 LOL JK xD. Pero sino bang hindi mapapapicture ng ilang beses sa magagandang rock formations at sa cagayan river ? ang masaya pa, may mini ” rapids ” dun sa river, para bang rio grande sa enchanted. Gusto ko nga sana talaga yung rafting eh, kaso sa ibang lugar yun : (.  Anyways, nakita rin namin yung mga native people dun na nakatira lang sa pinapatong patong na bato. Nakakalungkot nga eh, kasi dapat yung goverment pinapa tira sila sa isang bahay talaga. Pero kahit ganun yung sitwasyon nila, masaya pa rin sila, yung iba nga nag ” Hi ! “sa amin, and i really admired them for  that. Hindi dahil sa nag Hi sila sa amin, kundi dahil sa optimism nila at kahit ganun ang sitwasyon nila, nagagawa pa rin nilang mag enjoy sa kanilang lugar:>

So after ng tour namin sa governor rapids, pumunta muna sa isang resturant pa ra mag take out then kumain kami sa nagtipunan park. Nung kainan na, ayun, lamon lang kung lamon !

after hours of hiking, kainan naman ! hahaha. : D
After namin kumain, pumunta kami dun sa municipal hall ng nagtipunan. Hindi lang siya yung typical na municipal hall na office lang, kasi may view deck rin siya tsaka park, kung saan kami kumain.
After nun, pumunta na kami sa bimmapor rock formations, kung saan makikita dun yung ” Titanic rock formation ” na madalas ring puntahan ng mga turista. Malapit siya sa cagayan river, at talagang mapapa WOW ka sa mga rock formations dun, yung view ng bundok na para bang nasa ibang bansa ka, at yung sahig dun na akala mo simento yun pala eh rock formation rin. 3 words to sum it all up ;  It was AWESOME : D
Napansin ko lang nun na ang hilig namin mag jump shot nun. Yung iba ok, yung iba hinde,yung iba, bahala na. hahaha. Pero dahil sa ganda ng scenery, kahit sino eh mapapatodo ang pag pipicture : >
It’s more fun in the Philippines !  pwede nang pang advertisement ! : D
Kahit 2 days lang ang pamamasyal namin sa quirino, it was all worth it. Enjoyment package talaga eh, lalo na’t kasama ko ang mga pinsan ko. Akala ko nga  eh yun lang ung trip namin , pero change in plans. Alam ko na kung san ko namana ang pagiging gala eh. HAHA. So, nalaman nina mama na 2 hours from qurino eh banaue na, at since hindi nman kami nagmamadaling umuwi at 3 hours lang naman ang byahe papunta dun, ayun, tuloy ang banaue trip ! party party lang talaga eh. : >
  • April 24 2012 ; Wednesday : Banaue trip ! : D
On this day, nagising kami ng maaga ( mga around 4 am ) para sa trip na to. Alam mo yung feeling na, naka recieve ka ng limpak limpak na regalo tas madadagdag ulit ? EH ANG SAYA LANG NAMAN. : D . Mga 6 ng umaga kami umalis, and after ng byahe, nakarating na rin kami sa wakas sa banaue , at nakita ko na rin ang banaue rice terraces na dati’y sa mga pictures ko lang nakikita. It was a fun and unforgettable experience : 3
Up close with the banaue rice terraces : > dream come true ! 


Pose dito pose diyan, ang sarap magpapicture ! kung anu anu ang mga trip namen eh. hahahaha xD. Saya talaga pag nagsama sama kaming magpipinsan eh. Kalokohan to the max ! : p

Nakapunta rin kami sa palengke nila, souvenir shops, atbp. Ang sarap sa pakiramdam na nakakapunta ka sa ibang lugar, kasi hindi ka lang basta pumapasyal, may mga natutunan ka rin. Pano mamuhay ang mga tao run, ano yung kadalasan nilang kinakain, ano yung mga sikat na lugar na laging pinupuntahan ng mga turista, atbp. Hai. Ang saya talaga.

  • EPILOUGE.

Nakakalungkot talaga nung pauwi na kami, para bang ayaw ko nang iwan ang quirino tsaka ung banaue. Pero enjoy rin yung pauwe, at may mga FAIL nga ring nangyari eh, yung pumasok ako sa ibang bus nung stop over, hinawakan ko lang naman yung dalawang super duper na init na kape kasi  pasaway ako, etc. Lukaret lang eh :p hahaha.

And you know what’s the best part ? tinupad ulit ni lord ang isa sa mga wishes ko ; ang maging masaya kami at ligtas sa trip na eto. Parang feeling ko, eto na yung price sa akin ni lord dahil sa academic grades ko : >Ang saya nga eh, kasi sa tuwing gagala kami, lagi kaming masaya at laging memorable. At iyon ay dahil kay Lord, siya yung laging nagbabantay sa min, siya yung nagbigay ng magic sa mga trips namin. At sa lahat ng mga napupuntahan ko, marami akong natututunan. Parang field trip lang ba. At dun ko rin na realize na pagdating sa mga gala, iba pa rin pag kasama mo yung pamilya mo, yung mga kamag anak mo. : )

Nalulungkot nga ako ngayon habang tinatype ko tong post na to kasi parang feeling ko, panaginip lang yung trip namen dahil sa sobrang bilis, hindi na namin namalayan na tapos na yung trip namin. But one thing for sure, isang blessing ito para sa akin at para sa ming lahat, at super nag enjoy talaga kami. Alam ko na hindi ko na maibabalik ang panahon, pero proud ako kasi God gave me the chance to experience this wonderful moment. Sana maulit muli yung trip na to, at kung hindi man sa quirino o banaue, sana sa next na trip kasama ko ulit ang mga pinsan ko : >

I ♥ Quirino and Banaue ! IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES : 3

~crizelda : >♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s