Never give up.

* Taglish post. *. 

Natupad yung wish ko na magtapos ang first sem in a Happy-ending theme. Pero after nun, puro kamalasan na ang nangyare, well not personally, but my whole country. Nagkaroon ng 7.2 magnitude na lindol sa visayas at ngayon, yung super typhoon na nanalanta kamakailan, visayas rin at ibang part ng luzon ang natamaan, hindi lang tinamaan, winasak pa. Minsan nga parang ayoko ng manood ng news eh, kasi nakakaiyak lang pag nakikita mo yung mga nawasak ng bagyong yolanda, mga taong halos magpatayan na para lang makakuha ng pagkain, to the point na nagkaroon na ng looting, pataas ng pataas ang mga bilang ng bangkay, etc. Ang sakit lang </3. 

Minsan nga naiinis ako sa sarili ko. Minsan ang dami dami kong reklamo, tas yun pala, sobra sobra pa dapat ang ipagpasalamat ko. Grateful ko dahil hindi nangyare sa min katulad nung sa visayas, pero syempre nalulungkot pa rin ako. Alam ko na ang mga prayer ko para sa kanila ay matutupad dahil walang nakakatalo sa power ni GOD. 

Dati, ang salitang “move on ” ay laging about sa breakup. Pero para sa kin, eto ang pinaka essence ng salitang yun. Hindi ko maimagine kung paano mag mo move on ang mga tao doon, iniisip ko pa lang, nakakaiyak na. T.T 

Pero alam ko na ang mga tao dun ay hindi mawawalan ng pag asa. PINOY EH. Eh pag pinoy, synonymous sa salitang “palaban” at “pag-asa”. Pyramid song lang ang peg. haha. earthquakes can’t shake us, cyclones can’t break us. :)) 

Para sa mga naapektuhan ng bagyo, alam kong hindi pa sapat ang awa ko para sa inyo, pero gusto ko lang malaman niyo na nakikiramay ako at nagdadasal ako para sa inyo, at alam ko lahat ng nasa pinas at ang mga ibang tao sa buong mundo ay ganun rin 🙂 BE STRONG PEOPLE. ! 

Sana lord, maging happy ending ang 2013, hindi lang para sa ken kundi para sa buong Pilipinas. 🙂 

#prayforthePhilippines. 

FIGHTING ! NEVER GIVE UP. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s